-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
5
|Deuteronomio 2:5|
Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka't hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka't ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir.
-
6
|Deuteronomio 2:6|
Kayo'y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makainom.
-
7
|Deuteronomio 2:7|
Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.
-
8
|Deuteronomio 2:8|
Gayon tayo nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, mula sa daan ng Araba, mula sa Elath at mula sa Esion-geber. At tayo'y bumalik at nagdaan sa ilang ng Moab.
-
9
|Deuteronomio 2:9|
At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong kaalitin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma; sapagka't hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari; sapagka't aking ibinigay na pinakaari ang Ar sa mga anak ni Lot.
-
10
|Deuteronomio 2:10|
(Ang mga Emimeo ay nanahan doon noong una, bayang malaki, at marami, at matataas na gaya ng mga Anaceo:
-
11
|Deuteronomio 2:11|
Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita.
-
12
|Deuteronomio 2:12|
Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kaniyang pag-aari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)
-
13
|Deuteronomio 2:13|
Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At tayo'y tumawid sa batis ng Zered.
-
14
|Deuteronomio 2:14|
At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13