-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
15
|Deuteronomio 2:15|
Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.
-
16
|Deuteronomio 2:16|
Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma.
-
17
|Deuteronomio 2:17|
Ay sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi,
-
18
|Deuteronomio 2:18|
Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar, na hangganan ng Moab:
-
19
|Deuteronomio 2:19|
At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot.
-
20
|Deuteronomio 2:20|
(Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim: ang mga Rephaim ang tumatahan doon noong una; nguni't tinawag na mga Zomzommeo ng mga Ammonita;
-
21
|Deuteronomio 2:21|
Bayang malaki at marami at matataas na gaya ng mga Anaceo; nguni't nilipol sila ng Panginoon sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila:
-
22
|Deuteronomio 2:22|
Gaya ng ginawa ng Panginoon sa mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, nang kaniyang lipulin ang mga Horeo sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila hanggang sa araw na ito:
-
23
|Deuteronomio 2:23|
At ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ay nilipol ng mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor, at tumahang kahalili nila.)
-
24
|Deuteronomio 2:24|
Magsitindig kayo, kayo'y maglakbay, at magdaan kayo sa libis ng Arnon: narito, aking ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin, at kalabanin mo siya sa digma.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13