-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
15
|Ezequiel 33:15|
Kung isauli ng masama ang sanla, ibigay uli ang kinuha sa pagnanakaw, lumakad sa palatuntunan ng buhay, na di gumawa ng kasamaan, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
-
16
|Ezequiel 33:16|
Wala sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang nagawa na aalalahanin laban sa kaniya; kaniyang ginawa ang tapat at matuwid; siya'y walang pagsalang mabubuhay.
-
17
|Ezequiel 33:17|
Gayon ma'y sinabi ng mga anak ng iyong bayan, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid: nguni't tungkol sa kanila, ay hindi matuwid ang kanilang lakad.
-
18
|Ezequiel 33:18|
Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, kaniyang ikamamatay yaon.
-
19
|Ezequiel 33:19|
At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ikabubuhay yaon.
-
20
|Ezequiel 33:20|
Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, aking hahatulan kayo bawa't isa, ayon sa kaniyang mga lakad.
-
21
|Ezequiel 33:21|
At nangyari, nang ikalabing dalawang taon ng ating pagkabihag, nang ikasangpung buwan; nang ikalimang araw ng buwan, na isa na nakatanan mula sa Jerusalem ay naparoon sa akin, na nagsasabi, Ang bayan ay nasaktan.
-
22
|Ezequiel 33:22|
Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan, bago dumating ang nakatanan; at ibinuka niya ang aking bibig, hanggang sa siya'y dumating sa akin nang kinaumagahan; at ang aking bibig ay nabuka at hindi na ako pipi.
-
23
|Ezequiel 33:23|
At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
-
24
|Ezequiel 33:24|
Anak ng tao, ang nagsisitahan sa mga gibang dakong yaon ng lupain ng Israel, ay nangagsasalita, na sinasabi, Si Abraham ay iisa, at kaniyang minana ang lupain: nguni't tayo'y marami; ang lupain ay ibinigay sa ating pinakamana.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 14-16