-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Jeremías 48:1|
Tungkol sa Moab. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Sa aba ng Nebo! sapagka't nalagay na sira; Chiriathaim ay nalagay sa kahihiyan, nasakop; ang Misgab ay nalagay sa kahihiyan at nabagsak.
-
2
|Jeremías 48:2|
Ang kapurihan ng Moab ay nawala; sa Hesbon ay nagsisikatha sila ng kasamaan laban sa kaniya: Magsiparito kayo, at ihiwalay natin siya sa pagkabansa. Ikaw, naman, Oh Madmena, madadala sa katahimikan; hahabulin ka ng tabak.
-
3
|Jeremías 48:3|
Ang hugong ng hiyaw mula sa Horonaim, pananamsam at malaking kapahamakan!
-
4
|Jeremías 48:4|
Ang Moab ay sira; ang kaniyang mga bata ay nagpadinig ng kanilang hibik.
-
5
|Jeremías 48:5|
Sapagka't sa ahunan sa Luhith ay magsisiahon sila na may laging pagiyak; sapagka't kanilang narinig sa lusungan sa Horonaim ang kapanglawan ng hiyaw ng pagkapahamak.
-
6
|Jeremías 48:6|
Magsitakas kayo, inyong iligtas ang inyong mga buhay, at kayo'y maging parang kugon sa ilang.
-
7
|Jeremías 48:7|
Sapagka't yamang ikaw ay tumiwala sa iyong mga gawa at sa iyong mga kayamanan, ikaw man ay makukuha: at si Chemos ay papasok sa pagkabihag, ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama.
-
8
|Jeremías 48:8|
At ang manglilipol ay darating sa bawa't bayan, at walang bayan na makatatanan; ang libis naman ay nawawala, at ang kapatagan ay masisira; gaya ng sinalita ng Panginoon.
-
9
|Jeremías 48:9|
Mangagbigay kayo ng mga pakpak sa Moab, upang siya'y makalipad makalabas: at ang kaniyang mga bayan ay masisira, na walang sinomang tatahan doon.
-
10
|Jeremías 48:10|
Sumpain nawa siya na gumagawa na walang bahala sa gawain ng Panginoon; at sumpain siya na naguurong ng kaniyang tabak sa dugo.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 14-16