-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
21
|Jeremías 48:21|
At ang kahatulan ay dumating sa lupaing patag, sa Holon, at sa Jahzah, at sa Mephaath,
-
22
|Jeremías 48:22|
At sa Dibon, at sa Nebo, at sa Beth-diblathaim,
-
23
|Jeremías 48:23|
At sa Chiriathaim, at sa Beth-gamul, at sa Beth-meon;
-
24
|Jeremías 48:24|
At sa Cherioth, at sa Bosra, at sa lahat ng bayan ng lupain ng Moab, malayo o malapit.
-
25
|Jeremías 48:25|
Ang sungay ng Moab ay nahiwalay, at ang kaniyang bisig ay nabali, sabi ng Panginoon.
-
26
|Jeremías 48:26|
Languhin ninyo siya; sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon: at ang Moab ay gugumon sa kaniyang suka, at siya man ay magiging kakutyaan.
-
27
|Jeremías 48:27|
Sapagka't hindi baga naging kakutyaan ang Israel sa iyo? hindi baga siya nasumpungan sa gitna ng mga magnanakaw? sapagka't kung paanong kadalas sinasalita mo siya, gayon naguuga ka ng ulo.
-
28
|Jeremías 48:28|
Oh kayong mga nananahan sa Moab, inyong iwan ang mga bayan, at kayo'y magsitahan sa malaking bato; at maging gaya ng kalapati na nagpupugad sa mga tabi ng bunganga ng guwang.
-
29
|Jeremías 48:29|
Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang pagmamataas, at ang kaniyang pagpapalalo, at ang kaniyang kahambugan, at ang pagmamatigas ng kaniyang puso.
-
30
|Jeremías 48:30|
Talastas ko ang kaniyang poot ay walang mangyayari; sabi ng Panginoon, ang kaniyang paghahambog ay walang nangyari.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4