-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Marcos 11:11|
At pumasok siya sa Jerusalem, sa templo; at nang malingap niya sa palibotlibot ang lahat ng mga bagay, at palibhasa'y hapon na, ay pumaroon siya sa Betania na kasama ang labingdalawa.
-
12
|Marcos 11:12|
At sa kinabukasan, pagkaalis nila sa Betania, ay nagutom siya.
-
13
|Marcos 11:13|
At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon, ay lumapit siya, na baka sakaling makasumpong doon ng anoman: at nang siya'y malapit sa kaniya ay wala siyang nasumpungang anoman kundi mga dahon; sapagka't hindi panahon ng mga igos.
-
14
|Marcos 11:14|
At sumagot si Jesus at sinabi rito, Sinomang tao'y hindi kakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailan man. At ito'y narinig ng kaniyang mga alagad.
-
15
|Marcos 11:15|
At nagsidating sila sa Jerusalem: at pumasok siya sa templo, at nagpasimulang kaniyang itinaboy ang nangagbibili at nagsisibili sa loob ng templo, at ginulo ang mga dulang ng nangagpapalit ng salapi, at ang mga upuan ng nangagbibili ng mga kalapati;
-
16
|Marcos 11:16|
At hindi niya ipinahintulot na sinoman ay magdala ng anomang sisidlan sa templo.
-
17
|Marcos 11:17|
At siya'y nagturo, at sinabi sa kanila, Hindi baga nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? datapuwa't ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.
-
18
|Marcos 11:18|
At yao'y narinig ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at pinagsisikapan kung paanong siya'y kanilang maipapapuksa: sapagka't nangatatakot sila sa kaniya, dahil sa buong karamihan ay nanggigilalas sa kaniyang aral.
-
19
|Marcos 11:19|
At gabi-gabi'y lumalabas siya sa bayan.
-
20
|Marcos 11:20|
At sa pagdaraan nila pagka umaga, ay nakita nila na ang puno ng igos ay tuyo na mula sa mga ugat.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 5-7