-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Marcos 1:11|
At may isang tinig na nagmula sa mga langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.
-
12
|Marcos 1:12|
At pagdaka'y itinaboy siya ng Espiritu sa ilang.
-
13
|Marcos 1:13|
At siya'y nasa ilang na apat na pung araw na tinutukso ni Satanas; at kasama siya ng mga ganid; at pinaglingkuran siya ng mga anghel.
-
14
|Marcos 1:14|
Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios,
-
15
|Marcos 1:15|
At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.
-
16
|Marcos 1:16|
At pagdaraan sa tabi ng dagat ng Galilea, ay nakita niya si Simon at si Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya.
-
17
|Marcos 1:17|
At sinabi sa kanila ni Jesus, Magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.
-
18
|Marcos 1:18|
At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.
-
19
|Marcos 1:19|
At paglakad sa dako pa roon ng kaunti, ay nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid, na sila rin naman ay nangasa daong na hinahayuma ang mga lambat.
-
20
|Marcos 1:20|
At pagdaka'y kaniyang tinawag sila: at kanilang iniwan sa daong ang kanilang amang si Zebedeo na kasama ng mga aliping upahan, at nagsisunod sa kaniya.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13