-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Marcos 3:11|
At ang mga karumaldumal na espiritu, pagkakita sa kaniya, ay nangagpatirapa sa kaniyang harapan, at nangagsisisigaw, na nangagsasabi, Ikaw ang Anak ng Dios.
-
12
|Marcos 3:12|
At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit na siya'y huwag nilang ihayag.
-
13
|Marcos 3:13|
At siya'y umahon sa bundok, at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan: at nagsilapit sila sa kaniya.
-
14
|Marcos 3:14|
At naghalal siya ng labingdalawa, upang sila'y makisama sa kaniya, at upang sila'y suguin niyang magsipangaral,
-
15
|Marcos 3:15|
At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng mga demonio:
-
16
|Marcos 3:16|
At si Simon ay kaniyang pinamagatang Pedro;
-
17
|Marcos 3:17|
At si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kapatid ni Santiago; at sila'y pinamagatan niyang Boanerges, na sa makatuwid baga'y mga Anak ng kulog:
-
18
|Marcos 3:18|
At si Andres, at si Felipe, at si Bartolome, at si Mateo, at si Tomas, at si Santiago, na anak ni Alfeo, at si Tadeo, at si Simon ang Cananeo,
-
19
|Marcos 3:19|
At si Judas Iscariote, na siya ring nagkanulo sa kaniya. At pumasok siya sa isang bahay.
-
20
|Marcos 3:20|
At muling nagkatipon ang karamihan, ano pa't sila'y hindi man lamang makakain ng tinapay.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 5-7