-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
48
|Marcos 9:48|
Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.
-
49
|Marcos 9:49|
Sapagka't bawa't isa'y aasnan sa pamamagitan ng apoy.
-
50
|Marcos 9:50|
Mabuti ang asin: datapuwa't kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin, at kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa isa't isa.
-
1
|Marcos 10:1|
At siya'y umalis doon, at pumasok sa mga hangganan ng Judea at sa dako pa roon ng Jordan: at ang mga karamihan ay muling nakipisan sa kaniya; at, ayon sa kaniyang kinaugalian, ay muling tinuruan niya sila.
-
2
|Marcos 10:2|
At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, at siya'y tinanong, Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa? na siya'y tinutukso.
-
3
|Marcos 10:3|
At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?
-
4
|Marcos 10:4|
At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya.
-
5
|Marcos 10:5|
Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito.
-
6
|Marcos 10:6|
Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila.
-
7
|Marcos 10:7|
Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa;
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13