-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
29
|Marcos 13:29|
Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.
-
30
|Marcos 13:30|
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
-
31
|Marcos 13:31|
Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
-
32
|Marcos 13:32|
Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.
-
33
|Marcos 13:33|
Kayo'y mangagingat, mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon.
-
34
|Marcos 13:34|
Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin, sa bawa't isa'y ang kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat.
-
35
|Marcos 13:35|
Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga;
-
36
|Marcos 13:36|
Baka kung biglang pumarito ay kayo'y mangaratnang nangatutulog.
-
37
|Marcos 13:37|
At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Mangagpuyat kayo.
-
1
|Marcos 14:1|
Pagkaraan nga ng dalawang araw ay kapistahan ng paskua at ng mga tinapay na walang lebadura: at pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong siya'y huhulihin sa pamamagitan ng daya, at siya'y maipapatay.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 14-16