-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Nehemías 11:1|
At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem: ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa't sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal, at siyam na bahagi sa ibang mga bayan.
-
2
|Nehemías 11:2|
At pinagpala ng bayan ang lahat na lalake na nagsihandog na kusa na magsisitahan sa Jerusalem.
-
3
|Nehemías 11:3|
Ang mga ito nga ang mga pinuno sa lalawigan na nagsitahan sa Jerusalem: nguni't sa bayan ng Juda ay tumahan bawa't isa sa kaniyang pag-aari sa kanilang mga bayan, sa makatuwid baga'y ang Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon.
-
4
|Nehemías 11:4|
At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Athaias na anak ni Uzzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel, sa mga anak ni Phares.
-
5
|Nehemías 11:5|
At si Maasias na anak ni Baruch, na anak ni Col-hoze, na anak ni Hazaias, na anak ni Adaias, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na anak ng Silonita.
-
6
|Nehemías 11:6|
Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem, ay apat na raan at anim na pu't walo na mga matapang na lalake.
-
7
|Nehemías 11:7|
At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesullam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaias, na anak ni Colaias, na anak ni Maaseias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jesaia.
-
8
|Nehemías 11:8|
At sumusunod sa kaniya, si Gabbai, si Sallai, na siyam na raan at dalawang pu't walo.
-
9
|Nehemías 11:9|
At si Joel na anak ni Zichri ay kanilang tagapamahala: at si Jehudas na anak ni Senua ay ikalawa sa bayan.
-
10
|Nehemías 11:10|
Sa mga saserdote: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jachin,
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Éxodo 5-8