-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
67
|Nehemías 7:67|
Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae.
-
68
|Nehemías 7:68|
Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula, dalawang daan at apat na pu't lima;
-
69
|Nehemías 7:69|
Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.
-
70
|Nehemías 7:70|
At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote.
-
71
|Nehemías 7:71|
At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak.
-
72
|Nehemías 7:72|
At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote.
-
73
|Nehemías 7:73|
Sa gayo'y ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang iba sa bayan, at ang mga Nethineo, at ang buong Israel, ay nagsitahan sa kanilang mga bayan. At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan.
-
1
|Nehemías 8:1|
At ang buong bayan ay nagpipisan na parang isang lalake sa luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig; at sila'y nangagsalita kay Ezra na kalihim, na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises, na iniutos ng Panginoon sa Israel.
-
2
|Nehemías 8:2|
At dinala ni Ezra na saserdote ang aklat ng kautusan sa harap ng kapisanan, na mga lalake at mga babae, at lahat na makadidinig na may kaalaman nang unang araw ng ikapitong buwan.
-
3
|Nehemías 8:3|
At binasa niya roon sa harap ng luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig, mula sa madaling araw hanggang sa katanghaliang tapat sa harapan ng mga lalake at mga babae, at ng makakaalam: at ang mga pakinig ng buong bayan ay nakikinig sa aklat ng kautusan.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5