-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
19
|Nehemías 11:19|
Bukod dito'y ang mga tagatanod-pinto, na si Accub, si Talmon, at ang kanilang mga kapatid, na nangagbabantay sa mga pintuang-bayan, ay isang daan at pitong pu't dalawa.
-
20
|Nehemías 11:20|
At ang nalabi sa Israel, sa mga saserdote, sa mga Levita, ay nangasa lahat na bayan ng Juda, bawa't isa'y sa kaniyang mana.
-
21
|Nehemías 11:21|
Nguni't ang mga Nethineo ay nagsitahan sa Ophel: at si Siha at si Gispa ay nasa mga Nethineo.
-
22
|Nehemías 11:22|
Ang tagapamahala naman sa mga Levita sa Jerusalem ay si Uzzi na anak ni Bani, na anak ni Hasabias, na anak ni Mattanias, na anak ni Micha, sa mga anak ni Asaph, na mga mangaawit, na nasa mga gawain sa bahay ng Dios.
-
23
|Nehemías 11:23|
Sapagka't may utos na mula sa hari tungkol sa kanila, at takdang pagkain na ukol sa mga mangaawit, ayon sa kailangan sa bawa't araw.
-
24
|Nehemías 11:24|
At si Pethahias na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni Zerah, na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan.
-
25
|Nehemías 11:25|
At tungkol sa mga nayon, pati ng kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon, at sa Dibon at sa mga nayon niyaon, at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon;
-
26
|Nehemías 11:26|
At sa Jesua, at sa Moladah, at sa Beth-pelet;
-
27
|Nehemías 11:27|
At sa Hasar-sual, at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon;
-
28
|Nehemías 11:28|
At sa Siclag, at sa Mechona at sa mga nayon niyaon;
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5