-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
10
|Proverbios 30:10|
Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon, baka ka tungayawin niya, at ikaw ay maging salarin.
-
11
|Proverbios 30:11|
May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama. At hindi pinagpapala ang kanilang ina.
-
12
|Proverbios 30:12|
May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata, at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan.
-
13
|Proverbios 30:13|
May lahi, Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas.
-
14
|Proverbios 30:14|
May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang, upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao.
-
15
|Proverbios 30:15|
Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, bigyan mo, bigyan mo. May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan, Oo, apat na hindi nagsasabi, siya na:
-
16
|Proverbios 30:16|
Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig; at ang apoy na hindi nagsasabi, siya na.
-
17
|Proverbios 30:17|
Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina, tutukain ito ng mga uwak sa libis, at kakanin ito ng mga inakay na aguila.
-
18
|Proverbios 30:18|
May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin, Oo, apat na hindi ko nalalaman:
-
19
|Proverbios 30:19|
Ang lipad ng aguila sa hangin; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7