-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
30
|Proverbios 30:30|
Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man;
-
31
|Proverbios 30:31|
Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman: at ang hari na hindi malalabanan.
-
32
|Proverbios 30:32|
Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas, o kung ikaw ay umisip ng kasamaan, ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.
-
33
|Proverbios 30:33|
Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya, at sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo: Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.
-
1
|Proverbios 31:1|
Ang mga salita ng haring Lemuel; ang sanggunian na itinuro sa kaniya ng kaniyang ina.
-
2
|Proverbios 31:2|
Ano anak ko? at ano, Oh anak ng aking bahay-bata? At ano, Oh anak ng aking mga panata?
-
3
|Proverbios 31:3|
Huwag mong ibigay ang iyong kalakasan sa mga babae, o ang iyo mang mga lakad sa lumilipol ng mga hari.
-
4
|Proverbios 31:4|
Hindi sa mga hari, Oh Lemuel, hindi sa mga hari ang paginom ng alak; ni sa mga pangulo man, na magsabi, saan nandoon ang matapang na alak?
-
5
|Proverbios 31:5|
Baka sila'y uminom, at makalimotan ang kautusan, at humamak ng kahatulan sa sinomang nagdadalamhati.
-
6
|Proverbios 31:6|
Bigyan mo ng matapang na inumin siya na handang manaw, at ng alak ang mapanglaw na loob.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4