-
Leia por capÃtulos
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905) -
-
1
|Provérbios 25:1|
Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda.
-
2
|Provérbios 25:2|
Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay.
-
3
|Provérbios 25:3|
Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod.
-
4
|Provérbios 25:4|
Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo:
-
5
|Provérbios 25:5|
Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran.
-
6
|Provérbios 25:6|
Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao:
-
7
|Provérbios 25:7|
Sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata.
-
8
|Provérbios 25:8|
Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag, baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon, pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa.
-
9
|Provérbios 25:9|
Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba:
-
10
|Provérbios 25:10|
Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo, at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis.
-
-
Sugestões

Clique para ler Apocalipse 21-21