-
Leia por capÃtulos
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905) -
-
1
|Provérbios 30:1|
Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache; ang sanggunian. Sinabi ng lalake kay Ithiel, kay Ithiel, at kay Ucal:
-
2
|Provérbios 30:2|
Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman, at walang kaunawaan ng isang tao:
-
3
|Provérbios 30:3|
At hindi ako natuto ng karunungan, ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal.
-
4
|Provérbios 30:4|
Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?
-
5
|Provérbios 30:5|
Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.
-
6
|Provérbios 30:6|
Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.
-
7
|Provérbios 30:7|
Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo; huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay.
-
8
|Provérbios 30:8|
Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan: huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man; pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko:
-
9
|Provérbios 30:9|
Baka ako'y mabusog, at magkaila sa iyo, at magsabi, sino ang Panginoon? O baka ako'y maging dukha, at magnakaw ako, at gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios.
-
10
|Provérbios 30:10|
Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon, baka ka tungayawin niya, at ikaw ay maging salarin.
-
-
Sugestões

Clique para ler Apocalipse 22-22