-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Cantares 1:11|
Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak.
-
12
|Cantares 1:12|
Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang, ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango.
-
13
|Cantares 1:13|
Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin, na humihilig sa pagitan ng aking mga suso.
-
14
|Cantares 1:14|
Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin sa mga ubasan ng En-gadi.
-
15
|Cantares 1:15|
Narito, ikaw ay maganda, sinta ko, narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati.
-
16
|Cantares 1:16|
Narito, ikaw ay maganda sinisinta ko, oo, maligaya: ang ating higaan naman ay lungtian.
-
17
|Cantares 1:17|
Ang mga kilo ng ating bahay ay mga sedro, at ang kaniyang mga bubong ay mga sipres.
-
1
|Cantares 2:1|
Ako'y rosa ng Saron, lila ng mga libis.
-
2
|Cantares 2:2|
Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik, gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
-
3
|Cantares 2:3|
Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat, gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake. Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran. At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Números 15-16