-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
14
|Cantares 2:14|
Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
-
15
|Cantares 2:15|
Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora, ang mga munting sora na naninira ng mga ubasan; sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
-
16
|Cantares 2:16|
Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
-
17
|Cantares 2:17|
Hanggang sa ang araw ay lumamig, at ang mga lilim ay mawala, pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa o ng batang usa sa mga bundok ng Bether.
-
1
|Cantares 3:1|
Sa kinagabihan sa aking higaan, ay hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
-
2
|Cantares 3:2|
Aking sinabi, ako'y babangon at liligid sa bayan, sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan, aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
-
3
|Cantares 3:3|
Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako: na siya kong pinagsabihan, nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa?
-
4
|Cantares 3:4|
Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin.
-
5
|Cantares 3:5|
Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta, hanggang sa ibigin niya.
-
6
|Cantares 3:6|
Sino itong umaahong mula sa ilang na gaya ng mga haliging usok, na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan, ng lahat na blanquete ng mangangalakal?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4