-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Génesis 10:1|
Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.
-
2
|Génesis 10:2|
Ang mga anak ni Japhet; si Gomer, at si Magog, at si Madai, at si Javan, at si Tubal, at si Meshech, at si Tiras.
-
3
|Génesis 10:3|
At ang mga anak ni Gomer: si Azkenaz, at si Rifat, at si Togarma.
-
4
|Génesis 10:4|
At ang mga anak ni Javan; si Elisa, at si Tarsis, si Cittim, at si Dodanim.
-
5
|Génesis 10:5|
Sa mga ito nangabahagi ang mga pulo ng mga bansa, sa kanilang mga lupain, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang angkan, sa kanikanilang bansa.
-
6
|Génesis 10:6|
At ang mga anak ni Cham; si Cush, at si Mizraim, at si Phut, at si Canaan.
-
7
|Génesis 10:7|
At ang mga anak ni Cush; si Seba, at si Havila, at si Sabta, at si Raama, at si Sabtech: at ang mga anak ni Raama; si Sheba, at si Dedan.
-
8
|Génesis 10:8|
At naging anak ni Cush si Nimrod: siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa.
-
9
|Génesis 10:9|
Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya't karaniwang sabihin: Gaya ni Nimrod, na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon.
-
10
|Génesis 10:10|
At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa lupain ng Shinar.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4