-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Génesis 5:1|
Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, sa wangis ng Dios siya nilalang;
-
2
|Génesis 5:2|
Lalake at babae silang nilalang; at sila'y binasbasan, at tinawag na Adam ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.
-
3
|Génesis 5:3|
At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na Set:
-
4
|Génesis 5:4|
At ang mga naging araw ni Adam, pagkatapos na maipanganak si Set, ay walong daang taon: at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
-
5
|Génesis 5:5|
At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at siya'y namatay.
-
6
|Génesis 5:6|
At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon at naging anak niya si Enos.
-
7
|Génesis 5:7|
At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
-
8
|Génesis 5:8|
At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon: at siya'y namatay.
-
9
|Génesis 5:9|
At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon, at naging anak si Cainan:
-
10
|Génesis 5:10|
At nabuhay si Enos, pagkatapos na maipanganak si Cainan, ng walong daan at labing limang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4