-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
21
|Génesis 5:21|
At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem:
-
22
|Génesis 5:22|
At lumakad si Enoc na kasama ng Dios, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
-
23
|Génesis 5:23|
At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon:
-
24
|Génesis 5:24|
At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.
-
25
|Génesis 5:25|
At nabuhay si Matusalem ng isang daan at walong pu't pitong taon; at naging anak si Lamec:
-
26
|Génesis 5:26|
At nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec, ng pitong daan at walong pu't dalawang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae;
-
27
|Génesis 5:27|
At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay.
-
28
|Génesis 5:28|
At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't dalawang taon, at nagkaanak ng isang lalake:
-
29
|Génesis 5:29|
At tinawag ang kaniyang pangalan na Noe, na sinabi, Ito nga ang aaliw sa atin tungkol sa ating gawa at sa pinagpagalan ng ating mga kamay, dahil sa lupang sinumpa ng Panginoon.
-
30
|Génesis 5:30|
At nabuhay si Lamec, pagkatapos na maipanganak si Noe, ng limang daan at siyam na pu't limang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7