-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Génesis 1:1|
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
-
2
|Génesis 1:2|
At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
-
3
|Génesis 1:3|
At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
-
4
|Génesis 1:4|
At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman.
-
5
|Génesis 1:5|
At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.
-
6
|Génesis 1:6|
At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.
-
7
|Génesis 1:7|
At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon.
-
8
|Génesis 1:8|
At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.
-
9
|Génesis 1:9|
At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon.
-
10
|Génesis 1:10|
At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7