-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Génesis 25:11|
At nangyari, pagkamatay ni Abraham, na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng Beer-lahai-roi.
-
12
|Génesis 25:12|
Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara:
-
13
|Génesis 25:13|
At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,
-
14
|Génesis 25:14|
At si Misma, at si Duma, at si Maasa,
-
15
|Génesis 25:15|
At si Hadad, at si Tema, si Jetur, si Naphis, at si Cedema:
-
16
|Génesis 25:16|
Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanikaniyang pangalan, ayon sa kanikaniyang nayon, at ayon sa kanikaniyang hantungan: labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa.
-
17
|Génesis 25:17|
At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan.
-
18
|Génesis 25:18|
At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa Shur, na natatapat sa Egipto, kung patutungo sa Asiria; siya'y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.
-
19
|Génesis 25:19|
At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni Abraham si Isaac,
-
20
|Génesis 25:20|
At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, kapatid na babae ni Laban na taga Siria.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7