-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Génesis 9:11|
At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.
-
12
|Génesis 9:12|
At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon:
-
13
|Génesis 9:13|
Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
-
14
|Génesis 9:14|
At mangyayari, pagka ako'y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap.
-
15
|Génesis 9:15|
At aalalahanin ko ang aking tipan, na inilagda ko sa akin at sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng laman; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman.
-
16
|Génesis 9:16|
At ang bahaghari ay pasa sa alapaap, at aking mamasdan, upang aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa.
-
17
|Génesis 9:17|
At sinabi ng Dios kay Noe, Ito ang tanda ng tipang inilagda ko sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa.
-
18
|Génesis 9:18|
At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si Sem, at si Cham at si Japhet: at si Cham ay siyang ama ni Canaan.
-
19
|Génesis 9:19|
Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe: at sa mga ito'y nakalatan ang buong lupa.
-
20
|Génesis 9:20|
At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid, at naglagay ng isang ubasan.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Números 25-27