-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Génesis 38:1|
At nangyari nang panahong yaon, na humiwalay si Juda sa kaniyang mga kapatid, at nagdaan sa isang Adullamita na ang pangalan ay Hira.
-
2
|Génesis 38:2|
At nakita roon ni Juda ang anak na babae ng isang Cananeo, na tinatawag na Sua; at kinuha niya at kaniyang sinipingan.
-
3
|Génesis 38:3|
At naglihi, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Er.
-
4
|Génesis 38:4|
At naglihi uli, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Onan.
-
5
|Génesis 38:5|
At muling naglihi at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Selah: at si Juda ay nasa sa Chezib nang siya'y manganak.
-
6
|Génesis 38:6|
At pinapag-asawa ni Juda si Er na kaniyang panganay, at ang pangalan niyao'y Thamar.
-
7
|Génesis 38:7|
At si Er, na panganay ni Juda, ay naging masama sa paningin ng Panginoon; at siya'y pinatay ng Panginoon.
-
8
|Génesis 38:8|
At sinabi ni Juda kay Onan, Sumiping ka sa asawa ng iyong kapatid, at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa, at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid.
-
9
|Génesis 38:9|
At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi; at nangyari, na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid, ay pinatutulo niya sa lupa, nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid.
-
10
|Génesis 38:10|
At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, at siya'y pinatay rin naman.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 1-4