-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
18
|Génesis 40:18|
At si Jose ay sumagot, at nagsabi, Ito ang kapaliwanagan niyaon; ang tatlong bakol, ay tatlong araw;
-
19
|Génesis 40:19|
Sa loob ng tatlo pang araw ay itataas ni Faraon ang iyong ulo, at ibibitin ka sa isang punong kahoy; at kakanin ng mga ibon ang iyong laman.
-
20
|Génesis 40:20|
At nangyari nang ikatlong araw, na siyang kapanganakan kay Faraon, na gumawa siya ng isang piging sa lahat ng kaniyang lingkod: at itinindig niya ang ulo ng puno ng mga katiwala ng saro, at ang ulo ng puno ng mga magtitinapay.
-
21
|Génesis 40:21|
At ibinalik niya ang puno ng mga katiwala ng saro sa kaniyang pagkakatiwala ng saro; at ibinigay niya ang saro sa kamay ni Faraon:
-
22
|Génesis 40:22|
Datapuwa't ang puno ng mga magtitinapay, ay ibinitin sa isang puno ng kahoy: gaya ng ipinaliwanag sa kanila ni Jose.
-
23
|Génesis 40:23|
Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya.
-
1
|Génesis 41:1|
At nangyari, sa katapusan ng dalawang taong ganap, na si Faraon ay nanaginip: at, narito, na siya'y nakatayo sa tabi ng ilog.
-
2
|Génesis 41:2|
At, narito may nagsiahon sa ilog na pitong bakang magagandang anyo at matatabang laman; at nanginain sa talahiban.
-
3
|Génesis 41:3|
At, narito, na ibang pitong baka, na nagsiahon sa ilog na nasa likuran nila, mga pangit na anyo, at payat; at nagsihinto roon sa tabi ng mga unang baka, sa tabi ng ilog.
-
4
|Génesis 41:4|
At ang pitong bakang magagandang anyo at matataba, ay nilamon ng mga bakang pangit ang anyo at payat. Sa gayo'y nagising si Faraon.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 1-4