-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Josué 10:11|
At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
-
12
|Josué 10:12|
Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel, Araw, tumigil ka sa Gabaon; At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon.
-
13
|Josué 10:13|
At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
-
14
|Josué 10:14|
At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel.
-
15
|Josué 10:15|
At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal.
-
16
|Josué 10:16|
At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda.
-
17
|Josué 10:17|
At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.
-
18
|Josué 10:18|
At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila:
-
19
|Josué 10:19|
Nguni't huwag kayong magsitigil; inyong habulin ang inyong mga kaaway, at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila; huwag ninyong tiising pumasok, sa kanilang mga bayan: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.
-
20
|Josué 10:20|
At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 5-7