-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Josué 22:1|
Tinawag nga ni Josue ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases,
-
2
|Josué 22:2|
At sinabi sa kanila, Inyong iningatan ang lahat na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, at inyong dininig ang aking tinig sa lahat na aking iniutos sa inyo;
-
3
|Josué 22:3|
Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na malaong panahon hanggang sa araw na ito, kundi inyong iningatan ang bilin na utos ng Panginoon ninyong Dios.
-
4
|Josué 22:4|
At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan.
-
5
|Josué 22:5|
Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng boo ninyong puso at ng boo ninyong kaluluwa.
-
6
|Josué 22:6|
Gayon sila binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.
-
7
|Josué 22:7|
Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan: nguni't ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran. Bukod dito'y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda, ay binasbasan sila,
-
8
|Josué 22:8|
At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway.
-
9
|Josué 22:9|
At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagsibalik na humiwalay sa mga anak ni Israel mula sa Silo, na nasa lupain ng Canaan, upang pumaroon sa lupain ng Galaad, sa lupain ng kanilang ari na kanilang inari, ayon sa utos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises.
-
10
|Josué 22:10|
At nang sila'y dumating sa may lupain ng Jordan, na nasa lupain ng Canaan, ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo roon ng dambana sa tabi ng Jordan, isang malaking dambana na matatanaw.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13