-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Josué 21:1|
Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
-
2
|Josué 21:2|
At sila'y nagsalita sa kanila sa Silo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan, pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop.
-
3
|Josué 21:3|
At sa kanilang mana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita, ayon sa utos ng Panginoon, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
-
4
|Josué 21:4|
At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan.
-
5
|Josué 21:5|
At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim, at sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases, ng sangpung bayan.
-
6
|Josué 21:6|
At ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan, ng labing tatlong bayan.
-
7
|Josué 21:7|
Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, ng labing dalawang bayan.
-
8
|Josué 21:8|
At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
-
9
|Josué 21:9|
At sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay kanilang ibinigay ang mga bayang ito na nabanggit sa pangalan:
-
10
|Josué 21:10|
At pawang sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Coathita, na mga anak ni Levi: sapagka't sa kanila ang unang kapalaran.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 8-10