-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Josué 13:11|
At ang Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca;
-
12
|Josué 13:12|
Ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa Astaroth at sa Edrei (na siyang naiwang labi sa mga Rephaim); sapagka't sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy.
-
13
|Josué 13:13|
Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.
-
14
|Josué 13:14|
Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana; ang mga handog sa Panginoon, sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana, gaya ng sinalita niya sa kaniya.
-
15
|Josué 13:15|
At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan.
-
16
|Josué 13:16|
At ang kanilang hangganan ay mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayang nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;
-
17
|Josué 13:17|
Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamoth-baal, at ang Beth-baal-meon;
-
18
|Josué 13:18|
At ang Jaas, at ang Ced-demoth, at ang Mephaath;
-
19
|Josué 13:19|
At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis;
-
20
|Josué 13:20|
At ang Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth;
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 5-7