-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
21
|Josué 9:21|
At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila.
-
22
|Josué 9:22|
At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; dangang nananahan kayong kasama namin?
-
23
|Josué 9:23|
Ngayon nga'y sumpain kayo, at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin, ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios.
-
24
|Josué 9:24|
At sila'y sumagot kay Josue, at nagsabi, Sapagka't tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo; kaya't ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito.
-
25
|Josué 9:25|
At ngayon, narito, kami ay nasa iyong kamay: kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin, ay gawin mo.
-
26
|Josué 9:26|
At gayon ang ginawa niya sa kanila, at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel, na hindi sila pinatay.
-
27
|Josué 9:27|
At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan, at sa dambana ng Panginoon, hanggang sa araw na ito, sa dakong kaniyang pipiliin.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Gálatas 1-3