-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
60
|Josué 15:60|
Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
-
61
|Josué 15:61|
Sa ilang; Beth-araba, Middin, at Sechacha;
-
62
|Josué 15:62|
At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
-
63
|Josué 15:63|
At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.
-
1
|Josué 16:1|
At ang kapalaran ng mga anak ni Jose ay nagmula sa Jordan sa Jerico, sa tubig ng Jerico sa dakong silanganan, hanggang sa ilang na pasampa, mula sa Jerico at patuloy sa lupaing maburol hanggang sa Beth-el;
-
2
|Josué 16:2|
At palabas mula sa Beth-el na patungo sa Luz at patuloy sa hangganan ng mga Archita na patungo sa Ataroth;
-
3
|Josué 16:3|
At pababa sa dakong kalunuran sa hangganan ng mga Japhleteo, hanggang sa hangganan ng Beth-horon sa ibaba, hanggang sa Gezer: at ang mga labasan niyaon ay sa dagat.
-
4
|Josué 16:4|
At kinuha ang kanilang mana ng mga anak ni Jose, ng Manases, at ng Ephraim.
-
5
|Josué 16:5|
At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito: ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar, hanggang sa Beth-horon sa itaas:
-
6
|Josué 16:6|
At ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran sa Michmetat, sa hilagaan; at ang hangganan ay paliko sa dakong silanganan hanggang sa Tanath-silo at patuloy sa silanganan ng Janoa:
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13