-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
19
|Josué 18:19|
At ang hangganan ay patuloy sa tabi ng Beth-hogla na dakong hilagaan, at ang labasan ng hangganan ay sa hilagaang dagat-dagatan ng Dagat na Alat, sa timugang dulo ng Jordan; ito ang timugang hangganan.
-
20
|Josué 18:20|
At ang Jordan ay hangganan niyaon sa sulok na silanganan. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
-
21
|Josué 18:21|
Ang mga bayan nga ng lipi ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay Jerico, at Beth-hogla, at Emec-casis:
-
22
|Josué 18:22|
At Beth-araba, at Samaraim, at Beth-el,
-
23
|Josué 18:23|
At Avim, at Para, at Ophra,
-
24
|Josué 18:24|
At Cephar-hammonai, at Ophni, at Gaba, labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
-
25
|Josué 18:25|
Gabaon, at Rama, at Beeroth,
-
26
|Josué 18:26|
At Mizpe, at Chephira, at Moza;
-
27
|Josué 18:27|
At Recoem, at Irpeel, at Tarala;
-
28
|Josué 18:28|
At Sela, Eleph, at Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeath, at Chiriath; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13