-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
12
|Josué 4:12|
At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahati ni Manases, ay dumaang may sandata sa harap ng mga anak ni Israel, gaya ng salita ni Moises sa kanila:
-
13
|Josué 4:13|
May apat na pung libo na nasasakbatang handa sa pakikidigma ang dumaan sa harap ng Panginoon na patungo sa pakikibaka, sa mga kapatagan ng Jerico.
-
14
|Josué 4:14|
Nang araw na yaon ay pinadakila ng Panginoon si Josue sa paningin ng buong Israel; at sila'y natakot sa kaniya, gaya ng kanilang pagkatakot kay Moises, sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.
-
15
|Josué 4:15|
At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na sinasabi,
-
16
|Josué 4:16|
Iutos mo sa mga saserdote na nagdadala ng kaban ng patotoo, na sila'y sumampa mula sa Jordan.
-
17
|Josué 4:17|
Nagutos nga si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Umahon kayo mula sa Jordan.
-
18
|Josué 4:18|
At nangyari, nang umahon mula sa gitna ng Jordan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at nang matungtong sa tuyong lupa ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote, na ang tubig ng Jordan ay nanauli sa kanilang dako, at umapaw sa pangpang na gaya ng dati.
-
19
|Josué 4:19|
At ang bayan ay umahon mula sa Jordan nang ikasangpung araw ng unang buwan, at humantong sa Gilgal, sa hangganang silanganan ng Jerico.
-
20
|Josué 4:20|
At yaong labing dalawang bato, na kanilang kinuha sa Jordan, ay ibinunton ni Josue sa Gilgal.
-
21
|Josué 4:21|
At siya'y nagsalita sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Pagka itatanong ng inyong mga anak sa kanilang mga magulang sa panahong darating, na sasabihin, Anong kahulugan ng mga batong ito?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 5-7