-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
31
|Lucas 11:31|
Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng mga tao ng lahing ito, at sila'y hahatulan: sapagka't siya'y naparitong galing sa mga wakas ng lupa, upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon.
-
32
|Lucas 11:32|
Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Ninive na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.
-
33
|Lucas 11:33|
Walang taong pagkapagpaningas niya ng isang ilawan, ay ilalagay sa isang dakong tago, ni sa ilalim man ng takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw, upang ang nagsisipasok ay makita ang ilaw.
-
34
|Lucas 11:34|
Ang ilawan ng katawan mo ay ang iyong mata: kung magaling ang iyong mata, ang buong katawan mo naman ay puspos ng liwanag; datapuwa't kung ito'y may sakit, ang katawan mo nama'y puspos ng kadiliman.
-
35
|Lucas 11:35|
Masdan mo nga kung ang ilaw na nasa iyo ay baka kadiliman.
-
36
|Lucas 11:36|
Kaya nga, kung ang buong katawan mo ay puspos ng liwanag, na walang anomang bahaging madilim, ito'y lubos na mapupuspos ng liwanag, na gaya ng pagliliwanag sa iyo ng ilawang may liwanag na maningning.
-
37
|Lucas 11:37|
Samantala ngang siya'y nagsasalita, ay inanyayahan siya ng isang Fariseo na kumaing kasalo niya: at siya'y pumasok, at naupo sa dulang.
-
38
|Lucas 11:38|
At nang makita ito ng Fariseo, ay nagtaka na siya'y hindi muna naghugas bago mananghali.
-
39
|Lucas 11:39|
At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Gayon nga kayong mga Fariseo na nililinis ninyo ang dakong labas ng saro at ng pinggan; datapuwa't ang loob ninyo'y puno ng panglulupig at kasamaan.
-
40
|Lucas 11:40|
Kayong mga haling, di baga ang gumawa ng dakong labas ay siya ring gumawa ng dakong loob?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Crónicas 5-7