-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
21
|Lucas 5:21|
At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Dios lamang?
-
22
|Lucas 5:22|
Datapuwa't si Jesus, na nakatatanto ng kanilang mga iniisip, ay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso?
-
23
|Lucas 5:23|
Alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka at lumakad ka?
-
24
|Lucas 5:24|
Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.
-
25
|Lucas 5:25|
At pagdaka'y nagtindig siya sa harap nila, at binuhat ang kaniyang hinigan, at napasa kaniyang bahay, na niluluwalhati ang Dios.
-
26
|Lucas 5:26|
At nagsipanggilalas ang lahat at niluwalhati nila ang Dios; at nangapuspos sila ng takot, na nangagsasabi, Nakakita kami ngayon ng mga bagay na katakataka.
-
27
|Lucas 5:27|
At pagkatapos ng mga bagay na ito, siya'y umalis, at nakita ang isang maniningil ng buwis, na nagngangalang Levi, na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi sa kaniya, Sumunod ka sa akin.
-
28
|Lucas 5:28|
At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya.
-
29
|Lucas 5:29|
At siya'y ipinagpiging ng malaki ni Levi sa kaniyang bahay: at lubhang maraming maniningil ng buwis at mga iba pa na nangakasalo nila sa dulang.
-
30
|Lucas 5:30|
At nangagbulongbulungan ang mga Fariseo at ang kanilang mga eskriba laban sa kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit kayo'y nagsisikain at nagsisiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5