-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
19
|Lucas 23:19|
Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa pagpatay.
-
20
|Lucas 23:20|
At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;
-
21
|Lucas 23:21|
Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.
-
22
|Lucas 23:22|
At kaniyang sinabi sa kanila, na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.
-
23
|Lucas 23:23|
Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.
-
24
|Lucas 23:24|
At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,
-
25
|Lucas 23:25|
At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.
-
26
|Lucas 23:26|
At nang siya'y kanilang dalhin ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.
-
27
|Lucas 23:27|
At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.
-
28
|Lucas 23:28|
Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5