-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Levítico 22:1|
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
-
2
|Levítico 22:2|
Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na sila'y magsihiwalay sa mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na ikinagiging banal nila sa akin, at huwag nilang lapastanganin ang aking banal na pangalan: ako ang Panginoon.
-
3
|Levítico 22:3|
Sabihin mo sa kanila, Sinomang lalake sa lahat ng inyong binhi sa buong panahon ng inyong lahi, na lumapit sa mga banal na bagay na ikinagiging banal ng mga anak ni Israel sa Panginoon, na taglay ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong iyon sa harap ko: ako ang Panginoon.
-
4
|Levítico 22:4|
Sinomang lalake sa binhi ni Aaron na may ketong o may agas; ay hindi kakain ng mga banal na bagay hanggang siya'y malinis. At ang humipo ng alin mang bagay na karumaldumal dahil sa patay, o lalaking nilabasan ng binhi nito;
-
5
|Levítico 22:5|
O sinomang humipo ng anomang umuusad na makapagpaparumi, o lalaking makakahawa dahil sa alin mang karumihan niya;
-
6
|Levítico 22:6|
Ang lalaking humipo ng gayon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon, at hindi kakain ng mga banal na bagay maliban na maligo siya sa tubig.
-
7
|Levítico 22:7|
At pagkalubog ng araw, ay magiging malinis siya; at pagkatapos ay makakakain ng mga banal na bagay, sapagka't siya niyang tinapay.
-
8
|Levítico 22:8|
Yaong bagay na namatay sa sarili, o nilapa ng mga ganid, ay huwag niyang kakanin, na makapagpapahawa sa kaniya: ako ang Panginoon.
-
9
|Levítico 22:9|
Iingatan nga nila ang aking bilin, baka sila'y magkasala sa paraang iyan, at kanilang ikamatay, kung kanilang lapastanganin: ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
-
10
|Levítico 22:10|
Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Números 17-19