-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
37
|Levítico 7:37|
Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin, sa handog na harina, at sa handog dahil sa kasalanan, at sa handog dahil sa pagkakasala, at sa pagtatalaga, at sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan.
-
38
|Levítico 7:38|
Na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, nang araw na iniutos sa mga anak ni Israel na kanilang ihandog ang kanilang mga alay sa Panginoon sa ilang ng Sinai.
-
1
|Levítico 8:1|
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
-
2
|Levítico 8:2|
Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak, at ang mga kasuutan, at ang langis na pangpahid, at ang torong handog dahil sa kasalanan, at ang dalawang tupang lalake, at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura:
-
3
|Levítico 8:3|
At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
-
4
|Levítico 8:4|
At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
-
5
|Levítico 8:5|
At sinabi ni Moises sa kapisanan, Ito ang ipinagawa ng Panginoon.
-
6
|Levítico 8:6|
At dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at hinugasan ng tubig.
-
7
|Levítico 8:7|
At isinuot sa kaniya ang kasuutan, at binigkisan ng pamigkis, at ibinalabal sa kaniya ang balabal, at sa kaniya'y ipinatong ang epod, at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari, at tinalian nito.
-
8
|Levítico 8:8|
At ipinatong sa kaniya ang pektoral: at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 1-4