-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
28
|Marcos 3:28|
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ipatatawad ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa mga anak ng mga tao, at ang mga kapusungan nila kailan ma't sila'y mangagsasalita ng kapusungan:
-
29
|Marcos 3:29|
Datapuwa't sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan:
-
30
|Marcos 3:30|
Sapagka't sinabi nila, Siya'y may isang karumaldumal na espiritu.
-
31
|Marcos 3:31|
At dumating nga ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid; at, palibhasa'y nangakatayo sila sa labas, ay nangagpasugo sila sa kaniya, na siya'y tinatawag.
-
32
|Marcos 3:32|
At nangakaupo ang isang karamihan sa palibot niya; at sinabi nila sa kaniya, Narito, nangasa labas ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na hinahanap ka.
-
33
|Marcos 3:33|
At sinagot niya sila, at sinabi, Sino ang aking ina at aking mga kapatid?
-
34
|Marcos 3:34|
At paglingap niya sa nangakaupo sa palibot niya, ay sinabi niya, Narito, ang aking ina at aking mga kapatid!
-
35
|Marcos 3:35|
Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios, ito'y ang aking kapatid na lalake, at aking kapatid na babae, at ina.
-
1
|Marcos 4:1|
At siya'y muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't siya'y lumulan sa isang daong, at siya'y naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat.
-
2
|Marcos 4:2|
At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo,
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13