-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
26
|Marcos 2:26|
Kung paanong pumasok siya sa bahay ng Dios nang panahon ng dakilang saserdoteng si Abiatar, at kumain siya ng tinapay na itinalaga, na hindi matuwid kanin maliban na sa mga saserdote lamang, at binigyan pa rin niya ang kaniyang mga kasamahan?
-
27
|Marcos 2:27|
At sinabi niya sa kanila, Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath:
-
28
|Marcos 2:28|
Kaya't ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath.
-
1
|Marcos 3:1|
At siya'y muling pumasok sa sinagoga; at doo'y may isang lalake na tuyo ang kaniyang kamay.
-
2
|Marcos 3:2|
At siya'y inaabangan nila kung pagagalingin siya sa araw ng sabbath; upang siya'y maisakdal nila.
-
3
|Marcos 3:3|
At sinabi sa lalaking tuyo ang kamay, Magtindig ka.
-
4
|Marcos 3:4|
At sinabi niya sa kanila, Katuwiran baga ang gumawa ng magaling sa araw ng sabbath, o ang gumawa ng masama? magligtas ng isang buhay, o pumatay? Datapuwa't sila'y hindi nagsiimik.
-
5
|Marcos 3:5|
At nang siya'y lumingap sa kanila sa palibotlibot na may galit, sapagka't ikinalungkot niya ang katigasan ng kanilang puso, ay sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya: at gumaling ang kaniyang kamay.
-
6
|Marcos 3:6|
At nagsilabas ang mga Fariseo, at pagdaka'y nakipagsanggunian sa mga Herodiano laban sa kaniya, kung paanong siya'y maipapupuksa nila.
-
7
|Marcos 3:7|
At si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad ay lumigpit sa dagat: at nagsisunod sa kaniya ang lubhang karamihang taong mula sa Galilea; at mula sa Judea,
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13