-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
41
|Marcos 1:41|
At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka.
-
42
|Marcos 1:42|
At pagdaka'y nawalan siya ng ketong, at siya'y nalinis.
-
43
|Marcos 1:43|
At siya'y kaniyang pinagbilinang mahigpit, at pinaalis siya pagdaka,
-
44
|Marcos 1:44|
At sinabi sa kaniya, Ingatan mong huwag sabihin sa kanino mang tao ang anoman: kundi yumaon ka, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo ng mga bagay na ipinagutos ni Moises, na bilang isang patotoo sa kanila.
-
45
|Marcos 1:45|
Datapuwa't siya'y umalis, at pinasimulang ipamalitang mainam, at ipahayag ang nangyari, ano pa't hindi na makapasok ng hayag si Jesus sa bayan, kundi dumoon sa labas sa mga dakong ilang: at pinagsasadya nila siya mula sa lahat ng panig.
-
1
|Marcos 2:1|
At nang siya'y pumasok uli sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw, ay nahayag na siya'y nasa bahay.
-
2
|Marcos 2:2|
At maraming nagkatipon, ano pa't hindi na magkasiya, kahit sa pintuan man: at sa kanila'y sinaysay niya ang salita.
-
3
|Marcos 2:3|
At sila'y nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo sa kaniya, na usong ng apat.
-
4
|Marcos 2:4|
At nang hindi sila mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan, ay kanilang binakbak ang bubungan ng kaniyang kinaroroonan: at nang yao'y kanilang masira, ay inihugos nila ang higaang kinahihigan ng lumpo.
-
5
|Marcos 2:5|
At pagkakita ni Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo, Anak, ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 8-10