-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Mateo 12:1|
Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.
-
2
|Mateo 12:2|
Datapuwa't pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya, Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath.
-
3
|Mateo 12:3|
Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya'y nagutom, at ang mga kasamahan niya;
-
4
|Mateo 12:4|
Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain siya ng mga tinapay na handog, na hindi matuwid na kanin niya, ni ng mga kasamahan niya, kundi ng mga saserdote lamang?
-
5
|Mateo 12:5|
O hindi baga ninyo nabasa sa kautusan, kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath, at hindi nangagkakasala?
-
6
|Mateo 12:6|
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo.
-
7
|Mateo 12:7|
Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.
-
8
|Mateo 12:8|
Sapagka't ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
-
9
|Mateo 12:9|
At siya'y umalis doon at pumasok sa sinagoga nila:
-
10
|Mateo 12:10|
At narito, may isang tao na tuyo ang isang kamay. At sa kaniya'y itinanong nila, na sinasabi, Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath? upang siya'y kanilang maisumbong.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5