-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
32
|Mateo 15:32|
At pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan.
-
33
|Mateo 15:33|
At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?
-
34
|Mateo 15:34|
At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
-
35
|Mateo 15:35|
At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;
-
36
|Mateo 15:36|
At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
-
37
|Mateo 15:37|
At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
-
38
|Mateo 15:38|
At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.
-
39
|Mateo 15:39|
At pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng Magdala.
-
1
|Mateo 16:1|
At nagsilapit ang mga Fariseo at mga Saduceo, na tinutukso siya na sa kaniya'y nagsisihiling na sila'y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit.
-
2
|Mateo 16:2|
Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Sa kinahapunan, ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon: sapagka't ang langit ay mapula.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Juan 1-5