-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
31
|1 Corintios 14:31|
Sapagka't kayong lahat ay makapanghuhulang isa-isa, upang ang lahat ay mangatuto, at ang lahat ay maaralan;
-
32
|1 Corintios 14:32|
At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta;
-
33
|1 Corintios 14:33|
Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal,
-
34
|1 Corintios 14:34|
Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka't sila'y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila'y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan.
-
35
|1 Corintios 14:35|
At kung ibig nilang maalaman ang anomang bagay, magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay; sapagka't mahalay na ang isang babae ay magsalita sa iglesia.
-
36
|1 Corintios 14:36|
Ano? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios? o sa inyo lamang dumating?
-
37
|1 Corintios 14:37|
Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.
-
38
|1 Corintios 14:38|
Datapuwa't kung ang sinoman ay mangmang, ay manatili siyang mangmang.
-
39
|1 Corintios 14:39|
Kaya nga, mga kapatid ko, maningas na pakanasain ninyong makapanghula, at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika.
-
40
|1 Corintios 14:40|
Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Éxodo 5-8