- 
			
				
- 
									
   Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)									 - 
									
									 
- 
									
									1
									 
									 
									|1 Corintios 14:1|
									Sundin ninyo ang pagibig; gayon ma'y maningas ninyong pakanasain ang mga kaloob na ayon sa espiritu, nguni't lalo na ang kayo'y mangakapanghula. 									
									    
								 
- 
									
									2
									 
									 
									|1 Corintios 14:2|
									Sapagka't ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Dios; sapagka't walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga. 									
									    
								 
- 
									
									3
									 
									 
									|1 Corintios 14:3|
									Datapuwa't ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay, at sa ikapangangaral, at sa ikaaaliw. 									
									    
								 
- 
									
									4
									 
									 
									|1 Corintios 14:4|
									Ang nagsasalita ng wika, ay nagpapatibay sa sarili; nguni't ang nanghuhula ay nagpapatibay sa iglesia. 									
									    
								 
- 
									
									5
									 
									 
									|1 Corintios 14:5|
									Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwa't lalo na ang kayo'y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, maliban na kung siya'y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay. 									
									    
								 
- 
									
									6
									 
									 
									|1 Corintios 14:6|
									Ngayon nga, mga kapatid, kung ako'y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga wika, anong inyong pakikinabangin sa akin, maliban na kung kayo'y pagsalitaan ko sa pamamagitan ng pahayag, o ng kaalaman, o ng panghuhula, o ng aral? 									
									    
								 
- 
									
									7
									 
									 
									|1 Corintios 14:7|
									Kahit ang mga bagay na walang buhay, na nagsisitunog, maging plauta, o alpa, kundi bigyan ng pagkakaiba ang mga tunog, paanong malalaman kung ano ang tinutugtog sa plauta o sa alpa? 									
									    
								 
- 
									
									8
									 
									 
									|1 Corintios 14:8|
									Sapagka't kung ang pakakak ay tumunog na walang katiyakan, sino ang hahanda sa pakikibaka? 									
									    
								 
- 
									
									9
									 
									 
									|1 Corintios 14:9|
									Gayon din naman kayo, kung hindi ipinangungusap ninyo ng dila ang mga salitang madaling maunawaan, paanong matatalos ang inyong sinasalita? sapagka't sa hangin kayo magsisipagsalita. 									
									    
								 
- 
									
									10
									 
									 
									|1 Corintios 14:10|
									Halimbawa, mayroon ngang iba't ibang mga tinig sa sanglibutan, at walang di may kahulugan. 									
									    
								 
 - 
									
 - 
				
Sugerencias
 

Haga clic para leer Juan 16-18