-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|1 Corintios 1:11|
Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.
-
12
|1 Corintios 1:12|
Ibig ko ngang sabihin ito, na ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay Apolos; at ako'y kay Cefas; at ako'y kay Cristo.
-
13
|1 Corintios 1:13|
Nabahagi baga si Cristo? ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?
-
14
|1 Corintios 1:14|
Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan ang sinoman sa inyo, maliban si Crispo at si Gayo;
-
15
|1 Corintios 1:15|
Baka masabi ninoman na kayo'y binautismuhan sa pangalan ko.
-
16
|1 Corintios 1:16|
At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni Estefanas: maliban sa mga ito, di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa.
-
17
|1 Corintios 1:17|
Sapagka't hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo, kundi upang mangaral ng evangelio: hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo.
-
18
|1 Corintios 1:18|
Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.
-
19
|1 Corintios 1:19|
Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.
-
20
|1 Corintios 1:20|
Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5