-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
21
|Génesis 41:21|
At nang kanilang makain, ay hindi man lamang maalaman na sila'y kanilang nakain; kundi ang kanilang anyo ay pangit ding gaya ng una. Sa gayo'y nagising ako.
-
22
|Génesis 41:22|
At nakakita ako sa aking panaginip, at, narito, pitong uhay ay tumataas sa isang tangkay, mapipintog at mabubuti.
-
23
|Génesis 41:23|
At, narito, may pitong uhay na lanta, mga pipi at tinutuyo ng hanging silanganan na nagsitaas na kasunod ng mga yaon:
-
24
|Génesis 41:24|
At nilamon ng mga uhay na lanta ang pitong uhay na mabubuti: at aking isinaysay sa mga mago: datapuwa't walang makapagpahayag niyaon sa akin.
-
25
|Génesis 41:25|
At sinabi ni Jose kay Faraon, Ang panaginip ni Faraon ay iisa; ang gagawin ng Dios ay ipinahayag kay Faraon:
-
26
|Génesis 41:26|
Ang pitong bakang mabubuti ay pitong taon; at ang pitong uhay na mabubuti ay pitong taon; ang panaginip ay iisa.
-
27
|Génesis 41:27|
At ang pitong bakang payat at mga pangit, na nagsiahong kasunod ng mga yaon ay pitong taon, at gayon din ang pitong uhay na tuyo, na pinapaspas ng hanging silanganan; kapuwa magiging pitong taong kagutom.
-
28
|Génesis 41:28|
Iyan ang bagay na sinalita ko kay Faraon: ang gagawin ng Dios, ipinaalam kay Faraon.
-
29
|Génesis 41:29|
Narito, dumarating ang pitong taong may malaking kasaganaan sa buong lupain ng Egipto;
-
30
|Génesis 41:30|
At may dadating, pagkatapos ng mga iyan, na pitong taong kagutom; at malilimutan iyang buong kasaganaan sa lupain ng Egipto; at pupuksain ng kagutom ang lupain;
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Deuteronomio 11-13