-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
51
|Génesis 41:51|
At tinawag ni Jose ang pangalan ng panganay na Manases, sapagka't aniya'y, Ipinalimot ng Dios sa akin ang lahat ng aking kapagalan at ang buong bahay ng aking ama.
-
52
|Génesis 41:52|
At ang ipinangalan sa ikalawa ay Ephraim: Sapagka't ako'y pinalago ng Dios sa lupain ng aking kadalamhatian.
-
53
|Génesis 41:53|
At ang pitong taon ng kasaganaan na nagkaroon sa lupain ng Egipto ay natapos.
-
54
|Génesis 41:54|
At ang pitong taon ng kagutom ay nagpasimulang dumating, ayon sa sinabi ni Jose: at nagkagutom sa lahat ng lupain; datapuwa't sa buong lupain ng Egipto ay may tinapay.
-
55
|Génesis 41:55|
At nang ang buong lupain ng Egipto ay magutom, ay dumaing ng tinapay ang bayan kay Faraon: at sinabi ni Faraon sa lahat ng mga Egipcio, Pumaroon kayo kay Jose; ang kaniyang sabihin sa inyo ay inyong gawin.
-
56
|Génesis 41:56|
At ang kagutom ay nasa ibabaw ng buong lupa: at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at nagbili sa mga Egipcio; at lumala ang kagutom sa lupain ng Egipto.
-
57
|Génesis 41:57|
At lahat ng mga taga ibang lupain ay nagsiparoon kay Jose upang magsibili ng trigo; sapagka't lumala ang kagutom sa buong lupa.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Deuteronomio 11-13